Monday, July 08, 2013

3rd year college

Eto yung time na mafefeel mo na college ka na talaga. 

Yung tipong first day na first day at di mo pa nalalanghap amoy ng room, classmate at prof mo, eh may sandamakmak na assignments ka na

Dito yung mas tumitindi mga drama ng mga taong nakapaligid sayo. Yung tipong nasa totoong buhay ka naman at wala sa teleserye pero kung makapag-inarte mga tao daig pa eksena sa Ina, Kapatid, Anak. 

Pag 3rd yr, karamihan lumalablyf na. Legal age na eh! May mga nagkakaron, meron ding nawawalan. May mga tao namang wala naman silang problema ng jowa nila pero nag-iisip padin ng ipoproblema at pagaawayan nila tapos mag-aaway tapos magb-break tpaos mag-dadrama sa twitter, facebook, tumblr at di pa pinatawad, pati sa GM! Bakit nga ba? Para lambingin? Tsss. O, para IN? Eh, pano kung matuluyan? Shot at iyak nalang

Buti pa ko tropa tropa chill lang huehuehue. Lolsie

Sa 3rd yr din nagkakalabasan ng kasipagan. Syempre, bawal na umasa sa tropa. Kung pasado ka at bagsak sila, ganun talaga! Paunahan nalang grumaduate. Hehe


Dito din lumalabas mga talento ng bawat isa. Dito mas tumataas yung pressure. Bawal mag-procastinate dahil for sure, di ka aabot dahil sa 3rd yr, time is gold. Bawal pasaway. Sunod sa rules kahit labag sa loob mo. Whether you like it or not, you'll like it. 

3rd yr! Isang taon nalang ng pasakit at paghihirap, gagraduate na kami. SANA. Maipasa lang namin lahat ng major major subjects, makapag-ojt both broad and print, tas matapos ang thesis, oks na! Bawing bawi na! Ayoko mag-waiver. Ayoko na bumalik sa PCU para lang sa thesis. Nasa bucketlist ko ang makatapos. Kaya ngayon, nagsisipag na ko. NO to destructions  and bullshits. I'm keeping myself close to people with positivity. Layo-layo muna sa mga hindi nakakatulong hangga't may time. Bahala sila.  

;)

No comments:

Post a Comment