Sunday, March 17, 2013

Highschool Friends >


"Don't trust on people easily pagdating mo ng college. There's a lot of bitches, backstabbers and plastics everywhere. Mag-ingat ka sa mga pagkakatiwalaan mo, dahil hindi lahat ng makikilala mo dun totoo."  I forgot who told me this before entering college. Before, I was like, "wehhh?? hindi naman siguro. feeling mo lang yun." Because honestly, I thought highschool people and college people are likely the same, but unfortunately, it's NOT. So, whoever angel in disguise told me that thing, Thanks for reminding me. I want to find you and give you my BIG hug! >:D< Lol.

I don't know where are my original college friends go. I've been dealing with the unknown group since... I don't know. They changed a lot. Iba na yung nafefeel ko ngayon pag kasama ko sila, unlike before. Dati, gustong gusto ko sila kasama kesa sa family ko. Naeexcite ako pumasok ng school dahil sakanila. Madaming nakakatawang memories. Kaya tuwing naaalala ko yung sinabi nung "angel in disguise", sinasabi kong mali siya ng inakala. Mas madaming friends sa college, mas masaya. Lahat sila totoo. Until one day, nagbago pananaw ko. Ewan ko. Suddenly, bigla ko nalang naisip na MAS better padin ang highschool friends ko. Kahit bihira na kaming magkita-kita dahil nga sa schedule, ramdam ko pading andun yung feeling na forever lang silang andyan. Kaya kung magkita-kita kami, grabe. Kulang ang isang linggo para magkasawaan kami sa kwento. Haha! Kaya dati, kung naeexcite ako sakanila, ngayon gusto ko na silang taguan. Gusto ko na humiwalay pero di ko kaya. Kasi nga, sila na kasama since nag-college ako. Dahil na din siguro sa mga jowa nila na magtotropa kaya ayoko na sumama sakanila. Hindi sa naiinggit ako or what. Nakaka-OP na kasi pag nag-kkwentuhan sila tungkol dun. Eh, anong ikkwento ko? Diba? Kaya minsan, nananahimik nalang ako, lumalayo, minsan nakikiepal na kunyari interisado sa mga boylets nila. Meron kasing isa samin na gusto niya, jowa naming lahat ng tropa ng jowa niya. Eh, pano kung ayaw mo sa mga yun? Ang hirap sakanya, ipapafeel niya sayo na ikaw lang ang naiiba. Na forever alone ka kasi hindi mo jowa ang isa sa mga tropa. Bullshit. Nakakairita minsan. Kaya nagdadalawang isip na ko kung sasama pa ko sa nueva ecija trip nila. Alam ko namang hindi nila maiintidihan dahilan  ko dahil nga yung kilay ko, mas mataas pa sa mga IQ nila. (Alam kong may babasa nito pero lampake) Ang hirap din kasi sa kanila, pag gusto nilang mangyari, gusto nila. Di muna nila itatanong kung ok lang ba. TssBadtrip.

Yung mga friends ko ngayon, di ko na sila kilala. Masaya naman kami dati eh. Simple, makulithindi komplikado. Kaso habang tumatanda kami, nagkakandaleche-leche na lahat. Isa pang roblema sakanila, they're too loud. Alam kong maiingay na talaga sila. Pero minsan, sobra na. Hindi na kami mga 13 yrs old para humarot ng ganun. DUUUH. Ako na ang pinaka-bata, ako pa ang ganito mag-isip. Gaaahhhd. Ako lang ang walang jowa pero feeling ko mas mature pa ko sakanila. Ang haharot nila minsan na wala na sa lugar at di ko na kayang sabayan ang trip nila dahil nakakairita at hindi nakaktuwa. Kaya tinatawg nil kong "YAMOT" dahil minsan, naiinis na ko sakanila at wala na kong magawa kundi sumimangot at sarilinin nalang lahat. I studied highschool at Tondo where andun mga tarantadong mga tao. Pero hindi sumosobra sa limit ang mga kagaguhan namin nun. Babae kami kumilos kahit puro lalaki tropa namin. Walang arte sa katawan. Simple. Masaya. May kontrol ang bunganga. At dahil sa mga nangyayari ngayon, mas lalo kong naiintidihan yung sinabi nung "angel in disguise". Hindi sa sinasabi kong plastics, backstabbers, or whatever you call it sila. Ang sakin lang, ang hirap nilang intindihin at pakisamahan. Hindi naman lahat. Hindi ko na talaga alam. Basta ang alam ko, highschool friends padin talaga. Forever and ever. Walang plastikan, walang sapawan, hindi ka paguusapan pag nakatalikod ka na, hindi ka io-op, hindi ka kakalimutan kahit may jowa na sila. People change and friends leave, but that is not an excuse para intindihan  lahat ng kaibigan mo. One thing I learned in college, Hindi araw-araw kaibigan mo talaga ang mga kaibigan mo. Hihintayin ko nalang maka-graduate ako. Iisipin ko nalang ang studies kesa sakanila. Pakikisama ang natitirang meron ako para sakanila. Ganun nalang hanggang makawala sa mundong meron ako ngayon. :)

Message to my college friends, TANGINA NIYONG LAHAT WITH FEELINGS. ♥ Message to my highschool friends, HAYUP KAYO. MAGPAKITA NAMAN KAYO PAG MAY TIME. MISSING YOU ALL!!! Kayo padin kasi kayo lang naman talaga. Ajuju. :3 Mahal ko kayo! :)

No comments:

Post a Comment